Sep 2, 2009

Philippines Within A Century

Sa pagbabasa ng sinulat ni Jose Rizal na ‘Philippines Within a Century’, masasabi kong hindi lamang siya isang bayani na pagkakakilala sa kanya ngunit isa na ring ‘historian’ o mananalaysay. Ang kanyang gawa na ito ay nagpapakita ng hula niya sa mga bagay-bagay na maaaring mangyari sa loob ng isang daang taon. Ipinakita ni Jose Rizal dito ng maayos ang tatlong bagay na maaring mangyari sa ating bansang Pilipinas pagkatapos ng maraming taong nakalipas. Una, nasabi niyang ang Pilipinas ay mananatili sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol ngunit nasa mabuting kalagayan na naman. Pangawala ay ang Pilipinas ay handang gumawa ng madugong rebolusyon para makamtan ang kalayaan at ang panghuli ay masakop muli ng isa pang makapangyarihang bansa.

Ang mga batayan ni Jose Rizal ay hindi lamang batay sa mga imahinasyon niya ngunit batay na rin mismo sa mga naobserbahan niya sa ibang lugar na pinagsama-sama niya kaya siya nakabuo ng isang kongklusyon tungkol sa ating bansa. Naisip niya na pag-aralan ang mga nangyayari sa ibang bansa at mga nangyari na at naihalintulad niya ito sa ating bansang Pilipinas. At ayon sa kanyang gawa, nasaaad niya na dapat makamtan ng mga Pilipino ang kalayaan lalong lalo na ang kalayaan sa ‘press’ para naman malayang masabi ng mga Pilipino ang mga nais nilang iparating sa mga namamahala.

-Reyes, Samuel Kim S.

0 comments:


Blogger Templates by Isnaini Dot Com and Volkswagen Cars. Powered by Blogger