Sep 2, 2009

the Philippines within a Century

Bago pa man dumating ang mga Kastila dito sa Pilipinas, ang bansa ay nasa estado na ng pag-unlad. Ang mga Pilipino ay nakikipagpalitan na ng mga produkto. Nang dumating ang mga Kastila, ninais nila na gawing sibilisado ang bansa. Ginawa nila ang lahat upang kunin ang loob ng mga Pilipino. Unti-unting nawala ang sariling tradisyon ng mga Pilipino. Naniwala sila sa mga magagandang pangako ng mga Kastila. Sa paglipas ng panahon, unti-unting nabago ang tingin ng mga Pilipino sa mga Kastila nang dahil na rin sa mga pang-aabuso at kasakimang ginagawa ng mga Kastila sa mga Pilipino, katulad ng pagtataas ng buwis na binabayaran ng mga Pilipino ngunit walang pagbabago sa kanilang kalayaang maging bahagi ng pamahalaan, at ang paglala ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Rizal, ang pagbabago ng Pilipinas at ang kagustuhan nitong makamit ang kalayaan ay hindi maiiwasan. Sa loob ng sandaang taon, ang Pilipinas ay mananatiling sakop ng bansang Espanya ngunit magkakaroon ng kalayaan o kaya naman ay ipaglalaban ang kasarinlan ng bansa sa pamamagitan ng rebolusyon. At kung maging malaya ang Pilipinas, may iba pang makapangyarihang bansa ang magiging interesadong sakupin ang ating bansa. Ito nga ay naganap nang ang Estados Unidos ang sumakop sa atin taong 1898.


- Orcena, Ma. Amelia

0 comments:


Blogger Templates by Isnaini Dot Com and Volkswagen Cars. Powered by Blogger