Sep 2, 2009

Katamaran ng mga Pilipino

Ang katamaran ay isang salita na bukang bibig ng mga Pilipino, ngunit bakit nga ba? Ito ay marahil na sila nga ay tamad o nasasabi lang nila ito upang kanilang maging dahilan. Sa pananaw ni Rizal, maaring sinabi niya na tamad ang mga Pilipino pero sa tingin ko, hindi sila tamad dahil masasabi kong naimpluwensyahan lang sila at dahil na rin ito sa mga kagagawan ng mga kastila na kung saan pinababa o kumabaga binawasan ang mga sahod ng Pilipino. Dahil dito naudyok silang tamarin sa kaalaman na dinadaya sila ng mga kastila. Maaaring matawag ba talagang tamad ang mga Pilipino? Ang mga kastila na kung saan ay may siesta at kanilang isinasagawa parin hangang ngayon ay matuturing na katamaran dahil sinabi ng mga kastila na tamad ang mga pilipino dahil sa paggising nga maaga upang magtrabaho gaya ng mga magsasaka, at magpapahinga pagkatapos. Ngunit katamaran nga ba ito? Maaring katamaran ito sa kanila dahil iba ang proseso nila pero masasabi kong hindi dahil kahit man sa dami ng mga masasamang bahay na nangyari sa Pilipinas, pinilipit paring tumayo ng mga Pilipino at hindi ito magagawa ng isang tamad na tao.

-Nikko Andre Jimenez

0 comments:


Blogger Templates by Isnaini Dot Com and Volkswagen Cars. Powered by Blogger