Ukol sa artikulong ito, itinatalakay dito ang pagbabago ng Pilipinas sa loob ng Isang daang taon. Nakasaad dito na sinabi ni Rizal na walang ipagbabago ang Pilipinas sa loob ng taong ito na kung saan magdudusa parin ang Pilinas sa kahirapan. Sa artikulong ito, isinaad na ang kahirapan ang pinakamatinding kalaban ng Pilipinas at tama nga si Rizal sa puntong iyon dahil ang kahirapan ang siyang nagdudulot o bumubunga sa mga masasamang gawain ng mga pilipino gaya ng pagnanakaw upang mabuhay. Isinaag din sa artikulo na ang katumbas ng mga lumang bayani ng Pilipinas, gaya nina Rizal ay naikukumpara sa mga OFW sa ngayon o ang tinatawag na mga Oversees Filipino Worker, dahil gaya nina Rizal, ang mga OFW ay nagtrabaho at tumungo rin sa ibang bansa ngunit sila nga ba ay pumunta sa ibang bansa upang pagsilbihan ang Pilipinas. Maaaring oo at maaring hindi dahil iba iba ang intensyon ng mga OFW ngunit ang mga OFW kumpara kina Rizal, ay tumungo sa ibang bansa upang magkaroon ng pera na kung saan ay kabaliktaran nina Rizal na sadiyang nagutom at naghirap habang gingawa niya ang kanyang mga nobelo. Naisaad sa nasabing artikulo kung gaano kalayo ang mga bagong bayani kumpara sa mga lumang bayani ng Pilipinas, at sino sino nga ba ang nag udyok upang tumungo ng ibang bansa sina Rizal pati narin ang mga OFW? Isa lang ang maaring sagot diyan at ito ay dahil sa paghihirap dahil hindi naman tutungo sa ibang bansa sina Rizal at ang mga OFW kung masagana ang buhay sa Pilipinas.
-Nikko Andre Jimenez
Sep 2, 2009
ilipino at Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon
Posted by kaspil1 at 9:55 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment