Sep 2, 2009

Indolence of the Filipino People

Sa unang bahagi ay inamin ni Jose Rizal ang katamaran talaga na namamalagi sa mga Pilipino ngunit hindi ito maaaring maikonekta sa masamang kalagayan at kahinaan ng bansa datapwat ito ay maii-konekta sa mga kahinaan at masamang kalagayan na nararanasan ng bansa. Upang maunawan ng husto ang ginawa na ito ni Jose Rizal ay dapat muna mapag-aralan ang mga dahilan ng katamaran ng isang tao at ang kailalimang dahilan nito parang maintindihan ito. Sunod naman ay binanggit niya na ang katamaran ng mga Pilipino ay lalong lumalala dahil sa maling pagtrato dito. Ngunit sinabi niyang hindi naman dapat mawalan ng pag-asa na gamutin itong sinasabing ‘katamaran’ na ito. Inihalintulad niya ito sa sakit na lalong lumalala kapag mali ang paggamot dito. At isa pa ay nasasaad dito na ang katamaran ng Pilipino ay maaari dahil sa kakulangan ng pag-aaral.

-Reyes, Samuel Kim S.

0 comments:


Blogger Templates by Isnaini Dot Com and Volkswagen Cars. Powered by Blogger